Idinaos kaninang umaga sa Plazuela ng Concepcion ang Unity Walk na sinundan ng Peace Covenant Signing sa Santuario de la Inmaculada Concepcion bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na National and Local Elections 2025.
Dumalo sa programa ang mga kandidato mula sa iba’t ibang partido, kabilang ang Nationalist People’s Coalition – Team Luv Ko ‘To, Partidong Federal ng Pilipinas, at mga independent candidates.
Pinangunahan ang aktibidad ng Department of the Interior and Local Government Concepcion sa pangunguna ni Ms. Rowena Angeles, Commission on Elections Concepcion sa pamumuno ni Ms. Jenalyn Tabifranca, at Philippine National Police Concepcion sa pamumuno ni PLtCol. Philip Antang.
Sa kanyang mensahe, nanawagan si Mayor Noel, na muling tumatakbo bilang alkalde, para sa isang payapa at maayos na halalan.
“Sana pu ing balen Concepcion manatili yang misasanmetung at mikakalugud at eya maging dahilan ing halalan para mikahidwaan la reng tawu keni. Nawa king daratang a halalan ayni maging maayus, mapayapa at malinis ya ing kekatamung halalan pati na rin ing kampanya,” ang pahayag ni Mayor Noel Villanueva.
Layunin ng programa na tiyakin ang isang patas at mapayapang eleksyon sa bayan ng Concepcion, habang pinapagtibay ang pagkakaisa sa kabila ng magkakaibang paniniwala sa politika.
