Isang gabi ng prestihiyo at selebrasyon ng kagandahan at kakayahan ang idinaos sa Coronation Night ng Binibining Concepcion 2025, kung saan labindalawang kandidata mula sa iba’t ibang barangay ang nagtagisan ng husay at karisma. Isa ito sa mga inaabangang at engrandeng tampok na aktibidad ng Fiestang Balen 2025, sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng Concepcion sa pamumuno ni Mayor Noel Villanueva.
Sa kanyang mensahe, inilahad ni Mayor Villanueva ang kanyang pagmamalaki sa mga kalahok:
“Metung karing pagmaragul ning balen tamu ding kekatamung binibining mangalagu, tune malugud, alang kupas, anya banwa-banwa manikwa tamu pangaras king probinsya.”
Pinasalamatan din niya ang lahat ng organizers, committee members, at mga volunteer na nagsikap para maisakatuparan ang matagumpay na selebrasyon ng Fiestang Balen ngayong taon.
Narito ang mga nagwagi:
Binibining Concepcion 2025 – Zyra Basilio (San Nicolas Poblacion)
1st Runner-Up – Jasmine Chloe Arciga (Sta. Cruz)
2nd Runner-Up – Vhia Valerie Rosario (San Juan)
3rd Runner-Up – Kristen Tizon (Sta. Rita)
4th Runner-Up – Frances Gail Gonzales (San Jose)
Congratulations sa lahat ng kalahok na buong tapang at galing na ipinakita sa entablado. Mabuhay ang mga binibining tunay na karangalan ng Concepcion!