Ginanap ang releasing ng certificates sa 51 Government Internship Program (GIP) interns sa Matrimony Hall ng munisipyo.
Ang programang ito ay pinangunahan ni Mayor Noel Villanueva at ni PESO Manager Marlene Sanchez sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment (DOLE) Tarlac kasama si DOLE Chief Jose Roberto L. Navata. Dumalo rin sa nasabing programa si Municipal Administrator Bienvenido Estrada at Councilor Calvin Sardia.
“Napakaganda ng GIP dahil nagkakaroon sila ng mga karanasan dito – hindi yung sweldo yung pinakamahalaga, ang mahalaga rito ay magkakaroon kayo ng karanasan at makikita ninyo yung mga workings sa government,” ang naging pahayag ni Mayor.
Ang GIP ay isang temporary employment na magtatrabaho sa government institution sa loob ng apat na buwan na may suweldong P500 sa isang araw.